Philippines taekwondo team, sasabak sa tatlong malalaking internationals competitions ngayong taon

99

Sasabak ang Philippines taekwondo team sa tatlong malalaking internationals competitions ngayong taon.

Una na rito, ang 2022 World Taekwondo Poomsae Championships sa Abril sa Goyang, Korea kasunod ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

Kasunod nito, umaasa sina 2019 Philippine SEA Games double-gold medalists Rodolfo Reyes Jr. at gold winner Jocel Lyn Ninobla na makakasama sila para sa national poomsae team.


Anila, nais din nila na makasama sa koponang ilalaban sa World Championships, SEA Games at Asian Games.

Matatandaan, nakasungkit ang naturang team ng walong gold, siyam na silver at apat na bronze medals noong 2019 SEA Games.

Facebook Comments