Sunday, July 12, 2026

PHILSA, kinumpirma ang pagpapalipad ng rocket ng China; nagbabala sa pagbagsak ng mga debris sa bahagi ng karagatan ng Palawan at Tubbataha Reef

Kinumpirma ng Philippine Space Agency o PHILSA ang pagpapakawala ng Long March 12 rocket mula sa China kaninang mga 10:45 ng umaga sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan.

Ang mga debris ng nasabing rocket ay posibleng bumagsak sa mga tukoy na drop zones na nasa 25 nautical miles away mula sa Puerto Princesa City, Palawan, at 19 nautical miles away mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.

Ayon sa PHILSA, ang mga debris mula sa nasabing rocket ay posibleng magdala ng banta sa mga barko, sasakyang panghimpapawid, mga bangka, at iba pang mga vessels na dadaan sa nasabing drop zones.

May posibilidad din na paglutang ng mga debris sa lugar at maanod sa kalapit nitong mga baybayin.

Bukod dito, pinaalalahanan din ng PHILSA ang publiko na wag kunin o hawakan ang mga nalaglag na debris dahil ito ay posibleng mayroong toxic substances.

Dagdag pa ng ahensya, i-report agad sa awtoridad sakaling makita ang mga debris na ito.

Facebook Comments