Bukas sa mga Manaoagueno ang PhilSys National ID Registration para sa mga residenteng wala pang ID at nais magparehistro sa mga itinakdang petsa sa mga piling barangay ng nasabing bayan.
Sa darating na September 19 hanggang 20, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, nakaschedule ang pagpaparehistro sa Brgy. Pugaro, habang sa Sept. 21 naman, sa magkaparehong oras, aarangkada ito sa Brgy. Babasit at Sept. 22, sa Barangay naman ng Poblacion, lahat ay idadaos sa mga Barangay Hall ng mga nasabing lugar.
Pinaalalahanan ang lahat na magdala lamang ng isang valid ID at orihinal na kopya ng Birth Certificate.
Samantala, sa kaugnay na balita ay maaaring madagdagan ang bilang ng mga Pangasinenseng PhilSys Registered na dahil sa pinakahuling datos ng tanggapan ng Philippine Statistics Authority o PSA, nasa higit dalawang milyon na ang bilang mga nakapagparehistro sa lalawigan ng Pangasinan.
Nagpaalala rin ang ahensya na kung wala pa ang physical o ang National ID ay maaaring mag-avail muna ng digital version o ang EPhil-ID dahil magkapareho ang features nito at hindi dapat ituring na temporary ID lamang.
Ilang mga Pangasinense rin ay matagal na umanong naghihintay ng kanilang Physical ID at maging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nainip na rin umano sa sa tagal ng pagbababa ng mga physical national ID sa mga mamamayang Pilipino kaya’t alinsunod dito ay mamadaliin na umano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang deployment ng digital ID sa mobile platform. |ifmnews
Facebook Comments