Phivolcs at OCD12, naglabas ng advisory kaugnay sa mga kumakalat na maling impormasyon

General Santos City—Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na walang katutuhanan ang mga kumakalat na impormasyon sa social media na may paparating na magnitude 8.0 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Nane Daglag ng Phivolcs Gensan na hindi kayang i-predict ang papating na lindog, kung gaano ito kalakas at kung kailan ito mangrarari. Dagdag pa ni Danlag posibleng mangyari ang Magnitude 8.0 na lindog pero walang nakakaalam kung kailan at saan ito tatama.

Wala ring katutuhanan umano na may fault line sa Koronadal City.
Matapos kumalat ang maling impormasyon , nagpalabas din ng advisory ang office of the Civil Defense Region-12 .


Ayon kay OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco dapat tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon dahil makakapagbigay lang ito ng panic sa mga mamamayan.

Facebook Comments