PHIVOLCS, nilinaw na bahagi ng aftershocks ang malakas na pagyanig na naranasan kanina sa Ormoc City

103

Leyte – Nilinaw ngayon ng PHIVOLCS na bahagi ng aftershocks ang naranasan kaninang umaga na magnitude 5.4 na lindol sa naganap na magnitude 6.5 na lindol noong nakaraang linggo sa probinsya ng Leyte.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum – pareho lang ng pinanggalingan ang naitalang magnitude 5.4 sa 15 km silangan ng Ormoc City.

Samantala, dahil naman sa insidente – inilabas naman ang mga pasyente sa isang ospital sa Ormoc City.


Habang aabot naman sa 50 estudyante ang nawalan ng malay dahil sa hilo matapos na magpanic sa nangyaring lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments