Phivolcs, susuriin kung bagong fault ang pinagmulan ng magnitude 5.5 Earthquake sa Surigao del Sur kahapon

119

Magsasagawa ng pagsusuri at  assessment ang  Phil Institute of Volcanology and Siesmology  sa nangyaring magnitude 5.5 earthquake sa Carrascal, Surigao del Sur kahapon.

 

Nagpadala na ng quick reaction team ang Philvocs sa lalawigan na binubuo ng mga Science Research  analyst  nito.


 

Ayon kay  Phivolcs Science Research Analyst John Decsimo, huling gumalaw at naitala ang magnitude  7.7  earthquake sa Surigao del Sur noong Hulyo 1911 .

 

Aalamin ng Phivolcs  kung iisang lugar lang ang pinanggalingan ng pagyanig kahapon tulad sa nangyaring  lindol noong  1911 o di kaya ay may bagong fault sa bahagi ng Carrascal.

 

Huling naitala ang magnitude 4 na aftershock sa nasabing bayan pasado alas 11 kagabi.

Facebook Comments

From Advertisers