PHIVOLCS, tiniyak na walang Tsunami Alert kasunod ng Magnitude 7.1 na Lindol malapit sa Indonesia

458

Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng Tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na Lindol sa Molucca Sea sa Western Pacific Ocean malapit sa Indonesia.

Ito’y kasunod ng paglalabas ng indonesia ng Tsunami Alert dahil sa Magnitude 7.1 na Lindol.


Nakasaad na niyanig ng Magnitude 7.4 na Lindol ang Molucca Sea kaninang alas 12:18 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Gayunman sinabi ng ahensya na hindi inaasahan ang mapaminsalang Tsunami sa pilipinas bunsod ng naturang Lindol.

Facebook Comments

From Advertisers