Phl Men’s Volleyball Team, tinalo ang Cambodia

65

Inilampaso ng Philippine Men’s Volleyball Team ang Cambodia kasabay ng pagbubukas ng Tournament Campaign sa ilalim ng 2019 Sea Games.


Ang final scores, 29-27, 25-17, 25-17.

Dikit ang naging laban kung saan may one-point lead ang Pilipinas sa third set, 17-16.

Dito pinakawalan ng National Team ang 8 puntos para maisara ang laban lamang sa Cambodia.

Pinangunahan ni Marck Espejo ang Team Pilipinas na may 21 points, habang may 14 markers si Bryan Bagunas.

Nagdomina ang bansa sa blocking department na may 17-4, at sa servicing na may 9-1.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Vietnam bukas, alas-6:00 ng gabi sa Philsports Arena.




Facebook Comments