PHLPost, naglabas ng special stamps bilang pagkilala kay Catriona Gray

54

Manila, Philippines – Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng commemorative stamps bilang pagkilala kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Makikita sa stamps ang dalawang iconic pictures ng beauty queen matapos itong manalo sa Miss Universe 2018 pageant night.

Sa isang stamp makikita naman ang kanyang official photo bilang bagong Miss Universe habang ang isa ay nagpapakita ng kanyang first walk matapos tanghaling panalo.

Mabibili ang commemorative stamps ni Gray simula sa February 27 sa halagang P12 para postal stamp habang P55 naman sa special stamp kung saan nakalagay ang korona at lava gown ni Catriona.

Una na ring naglabas ng special stamps ang PHLPost bilang pagkilala sa mga Miss Universe title holders gaya nina Gloria Diaz, Margarita Moran at Pia Wurtzbach.

Facebook Comments