PHLPost stamp para sa mga olympic medalist, ilulunsad na!

51

Nakatakdang ilabas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang kauna-unahang Olympic Gold Stamp.

Ito ay matapos masungkit ni Pinay Weightlifter Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa kakatapos lamang sa 2020 Tokyo Olympics.


Bukod kay Diaz, maglalabas din ng stamps ang PHLPost para sa Pinoy boxer silver medalist na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio pati na rin kay Bronze medalist Eumir Marcial.

Paliwanag ng PHLPost, nararapat lamang na bigyang-pagkilala ang natatanging mga atleta para sa ibinigay nilang karangalan sa bansa.

Nabatid na dadalo sa stamp launching sina PHLPost Head, Postmaster General Norman Fulgencio, Presidential Assistant for the Visayas, Secretary Michael Lloyd Dino kasama ang mga Olympic medalists na gaganapin sa Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio sa Maynila

Facebook Comments