PHO, IGINIIT ANG KAHALAGAHAN NG MAAGANG PAGPAPA-TEST SA HIV

Iginiit ng Pangasinan Health Office (PHO) ang kahalagahan ng maagang pagpapa-HIV o Human Immunodeficiency Virus testing upang matutukan ang kondisyon ng pangangatawan ng mga positibong indibidwal sa nasabing sakit.
Ayon sa datos ng PHO, nasa edad bente singko hanggang trentay kwatro anyos ang edad ng mga indibidwal na nagpopositibo sa sakit ng HIV sa probinsya.
Nakababahala umano ang nasabing bilang kung kayat habang maaga pa ay agad na umanong magpatingin at magpa-testing.
Sa huling datos na inilabas ng Provincial Health Education Promotion Office nitong January 8, 2025, nasa 302 ag may kumpirmadong kaso ng HIV sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments