PHO WALA PANG NAITATALANG KASO NG HEAT RELATED INJURIES SA PANGASINAN

22
Dahil sa sobrang init ng panahon ilang mga Pangasinense ang nakakaranas ng pagsakit ng ulo at katawan.
Ngunit ayon kay Dra. Anna De Guzman ang PHO Officer ng pangasinan wala pang naitatalang kaso ng mga health related injuries gaya ng Heat stroke, heat exhaustion at heat cramps ang kanilang tanggapan.
Nanawagan din ito sa mga residente na iwasan ang pagbababad sa ilalim ng araw tuwing alas dyes hanggang alas tres ng hapon dahil ito ang mga oras na naitatalang sobrang init na temperatura.

Samantala, paalala nito sa publiko na ugaliing uminom ng tubig upang maiwasan ang dehydration. | ifmnews
Facebook Comments