Phoenix Fuel Masters, pinaghahandaan na ang posibilidad na makasama na nila sa Clark bubble si Calvin Abueva

45

Bagama’t wala pang kasiguraduhan, pinaghahandaan pa rin ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang pagbabalik ng isa nilang player na si Calvin Abueva.

Matatandaang pinatawan ng PBA ng indefinite suspension si Abueva noong June 2019 kung saan kahapon ay nakipag-usap ito kay PBA Commissioner Willie Marcial para sa huling requirements na kakailanganin nito para makabalik sa laro.

Matapos ang pakikipag-usap ni Abueva kay Marcial, dumiretso ito sa Games and Amusement Board (GAB) para muling kumuha ng lisensya sa paglalaro sa Professional League.

Nabatid na nagpasa ng 24-man line up ang Phoenix kung saan nireserba nila ang pang-25 slot kay Abueva sakaling bumalik ito bago ang deadline na itinakda ng PBA sa pagpasok sa Clark bubble.

Facebook Comments