Phoenix Fuel Masters, tinalo ang Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup

37
Photo Courtesy: PBA

Isang come-from-behind win ang naitala ng Phoenix Super LPG Fuel Masters kontra Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Nanalo ang Phoenix sa score na 91-84 kung saan nanguna sa panalo ng Fuel Masters si Matthew Wright na may 23-points.


Nabatid na lamang ng 11-points ang Magnolia pagpasok ng 4th quarter pero nahabol ito ng Phoenix hanggang sa makuha nila ang panalo.

Samantala, nakuha ng Meralco Bolts ang ikalawa nilang sunod na panalo kontra NLEX Road Warriors.

Tinalo ng Bolts ang NLEX sa score na 101-92 at nanguna sa kanilang panalo sina Chris Newsome na may 18-points at Allein Maliksi na may 17-points.

Facebook Comments