Phoenix Suns, pinataob ang defending champion na Toronto Raptors

41

Pinataob ng Phoenix Suns ang defending champion na Toronto Raptors sa kanilang huling scrimmage sa score na 117-106.


Bumida sa Suns si Mikal Bridges na umiskor ng 26 points at limang assists.

Naging katuwang nito sina Ricky Rubio na mayroong 20 points at Cam Johnson na nakapagtala ng 19 na puntos.

Nanguna naman para sa Raptors si Pascal Siakam na may 17 points habang nakagawa naman ng 13 points si Fred Vanvleet at si Kyle Lowry ay mayroong 11 points at pitong assists.

Sunod namang makakalaban ng Suns ang Washington Wizards habang makakaharap ng Raptors ang Los Angeles Lakers.

Facebook Comments