Phoenix Super LPG at San Miguel Beermen parehong wagi sa 2020 PBA Philippine Cup

66

Hindi pinaporma ng Phoenix Super LPG fuel masters ang Terrafirma Dyip sa muling pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup Clark bubble.

Tinambakan ng Fuel Masters ang Terrafirma sa score na 116-94 kung saan nanguna sa panalo ng Phoenix sina Matthew Wright na may 33-points at Calvin Abueva na may 12-points at 10-rebounds.


Dahil sa panalo ng Fuel Masters, hawak nila ngayon ang 5-3 win/loss record.

Samantala, tinalo naman ng San Miguel Beermen sa overtime ang Blackwater Elite sa score na 90-88.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Moala Tautuaa na may 26-points at 14 rebounds at dahil dito umangat sa team standings ang San Miguel na may 5-2 win/loss record.

Facebook Comments