Phoenix Super LPG, tinalo ang Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup

28

Hindi pinaporma ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang Meralco Bolts sa kanilang paghaharap sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.

Tinambakan ng Phoenix ang Bolts sa score na 116-98 kung saan nanguna sa panalo ng Fuel Masters si Matthew Wright na may 36-points.

Ikinatuwa naman ni Phoenix Coach Topex Robinson ang una nilang panalo pero aminado siya na marami pang dapat gawin lalo na’t maraming pang laro sa PBA clark bubble.

Marami naman sa fans ng Phoenix ang umaasa na makakalaro na si Calvin Abueva na natapos na ang seminar at mandatory drug test na requirements ng Games and Amusements Board (GAB).

Inaabangan na lang din ng management ng Fuel Masters ang magiging desisyon ni PBA Commissioner Willie Marcial kung papayagan na niyang maglaro si Abueva.

 

 

]

Facebook Comments