PIA chief, hindi ilalagay sa preventive suspension – PCOO

Manila, Philippines – Iginiit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi nila ilalagay sa preventive suspension si Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite.

Ito sa kabila na rin ng umano’y pagkakasangkot ng opisyal sa ilang iregularidad.

Ayon kay PCOO Undersecretary for Legal Affairs Marvin Gatpayat – mailalagay lamang ang isang opisyal sa preventive suspension kapang may formal charge nang isinampa laban dito.


Aniya, masyado pang ‘premature’ na sabihing sangkot si Clavite sa katiwalian habang patuloy ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa PIA chief.

Tiniyak din ng PCOO na seryoso ang kanilang tanggapan sa paglaban sa korapsyon.

Facebook Comments