Pia Wurtzbach, engaged na sa boyfriend na si Jeremy Jauncey

83

Kinumpirma na sa wakas ni Pia Wurtzbach ang engagement nila ng boyfriend na si Jeremy Juancey.

Sa isang Instagram post, ibinahagi na ng dating Miss Universe ang magandang balita sa fans.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kapwa kaibigan sa pageant at showbiz industry.


Si Jeremy ay kilalang founder at CEO ng social media-led creative at strategic travel community na “Beautiful Destination.”

Nauna nang naging usap-usapan kamakailan ang engagement ng dalawa matapos mapansin ng netizens ang tila pagtago ni Pia sa kanyang daliri na tila may suot ng engagement ring sa IG post nito ng grand date nila noong Abril.

Facebook Comments