Pia Wurtzbach – na-bash dahil sa kanyang post tungkol sa Barcelona attack

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil sa kanyang post tungkol sa nangyaring Barcelona attack.

Sa kanyang Instagram post kanina, nagbigay ng mensahe ng pakikiramay si Pia sa mga naapektuhan ng pag-atake.

Hindi ito nagustuhan ng netizens dahil parang inuuna pa raw ng Pinay beauty queen ang panawagang ipagdasal ang ibang bansa gayong may nangyayari ring gulo sa Pilipinas.


Agad naman nagpaliwanag si Pia sa panibago niyang post.

Sabi niya, huwag isiping hindi niya alam ang nangyayari sa bansa at pinayuhan ang lahat na laging mag-ingat.

Nanawagan naman ang mga supporter ni Pia itigil na ang pamba-bash sa beauty queen.

Facebook Comments