Picture ng passport umano ni Lodhi Petmalu, trending

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media nang matagpuan na ang tunay na ‘Lhodi Petmalu’.

Si Lhodi Petmalu ay isa pala umanong pakistani na nakatira sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Usong-uso kasi ngayon sa mga Pinoy ang pagbabaligtad ng mga salita gaya ng ‘petmalu’ mula sa malupit at ‘lodi’ na galing naman sa salitang idol.


Kaya naman nag-trending agad ang picture ng passport nito sa mga Pinoy meme Facebook page na nagpapatunay ng kanyang pangalan.

Sa ngayon ay inaalam pa kung tunay nga ba ang passport book na ito.

Facebook Comments