PILA NA! | Jackpot price sa ultra-lotto 6/58, aakyat sa ₱1.16 billion

70

Manila, Philippines – Inaasahang papalo na sa ₱1.16 billion pesos ang jackpot prize sa ultra-lotto 6/58.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan – walang nakakuha ng winning combinations na 28-14-54-50-17-27 sa ginawang draw nitong Biyernes, Oct. 12 na may jackport prize ₱1,112,647,388.

Sinabi naman ni PCSO Spokesperson Bong Solmerin – 115 bettors ang muntikan nang makuha ang bigating premyo matapos makuha lang ang lima sa anim na kombinasyon.

Aniya, makatatanggap pa rin ang mga ito ng tig-₱187,780.

Ang susunod na draw ay gaganapin mamayang gabi, Oct. 14.

Samantala, dalawang bettors mula Davao at Quezon City ang maghahati sa ₱72,786,594 jackpot prize ng mega lotto 6/45 dahil natumpak ng mga ito ang winning combinations na: 23-26-12-10-36-30.

Solo namang maiuuwi ng isang bettor ang jackpot price ng lotto 6/42 na ₱83,564,210 matapos makuha ang mga winning combination na 06-34-40-10-32-02.

Facebook Comments