Pilipinas at China mas malaki ang oportunidad na magbuklod sa kabila ng isyu sa agawan ng teritoryo

253

Naniniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez III, na mas malaki ang mga oportunidad na nagbubuklod sa Pilipinas at China kumpara sa mga isyung kinahaharap ng dalawang bansa.

 

Ito ang sinabi ng kalihim sa harap ng 100 Chinese businessmen delegation na bumisita dito sa Pilipinas.


 

Ayon kay Secretary Dominguez, naghahangad ang Pilipinas ng mas matatag pang ugnayan kasama ang gobyerno ng China.

 

Malaking papel aniya ang ginampanan dito ng foresight nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President XI, para sa mas mainit na kooperasyon ng Beijing at Manila na aniya ay nagiging daan lamang sa pagkakaroon pa ng sustainable at inclusive economic growth para sa dalawang bansa.

Facebook Comments

From Advertisers