Sunday, November 15, 2026

Pilipinas at China, nagkasundo na panatilihin ang dayalogo at diplomasya sa gitna ng tensiyon sa maritime issues

Nagkasundo ang Pilipinas at China na panatilihin ang open communication at diplomatikong dayalogo upang mapamahalaan nang maayos ang patuloy na tensiyon sa mga usaping pandagat.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng naging prangka at direktang pag-uusap sa telepono nina DFA Secretary Maria Theresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Batay sa DFA, kapwa sumang-ayon ang dalawang panig na iwasan ang anumang hakbang o pananalita na magpapalala sa sitwasyon, habang nakatuon ang talakayan sa pagbabalik ng maayos na ugnayan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin din ng kagawaran na nananatiling nakatuon ang Pilipinas sa pagpapanatili ng matatag na relasyon sa China, nang naaayon sa pambansang interes at ipinapatupad na independent foreign policy ng bansa.

Facebook Comments