Pilipinas at China, nakatakdang magpulong para talakayin ang isyu sa WPS

55

Nakatakdang magpulong ang Pilipinas at China upang magsagawa ng ikaanim na bilateral consultation mechanism kaugnay sa isyu sa South China Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, pag-uusapan sa pulong ang lumalalang tensiyon sa West Philippine Sea kung saan nananatili ang mga Chinese militia vessels na nagresulta ng pagsasampa ng diplomatic protest ng Pilipinas.


Umaasa naman si Zhao na magiging matagumpay ang pagpupulong upang maayos na ang nagpapatuloy na sigalot sa dalawang panig kaugnay sa mga teritoryo.

Sa ngayon, tiniyak ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maglalabas ng pahayag ang Malakanyang kung ano pang mga isyu ang pag-uusapan sa pagpupulong ng Pilipinas at China.

Maliban kasi aniya sa isyu sa West Philippine Sea ay inaasahang pag-uusapan din ang paglaban ng dalawang bansa sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments