Pilipinas at China, nananatiling World’s Top Rice Importers – US-DA

71

Nananatili pa ring World’s Top Rice Importers ang Pilipinas at China ngayong taon.

Ayon sa US-Department of Agriculture’s (US-DA) Foreign Agricultural Service (FAS), mula sa dalawang milyong metric tons (MT) ng bigas ay inaasahan nilang 2.1 milyon MT ang ia-angkat ng Pilipinas.


Ginawa namang 3.2 milyon MT mula sa 2.9 milyong MT ang inaasahang iaangkat na bigas ng China.

Paliwanag ng US-DA, bunsod ito ng binawasang Most Favored Nation (MFN) tariff rate at strong demand.

Facebook Comments