Pilipinas at Malaysia, nagsagawa ng bilateral cooperation

74

Nagsagawa ng bilateral cooperation sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at kaniyang Malaysian counterpart na si Hishammuddin Hussein.

Ito ay bahagi ng pagpapanatili ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.

Sa pamamagitan ng video conference, nagpulong ang dalawang opisyal upang pagtibayin ang kanilang commitment sa pagpapatupad ng 1994 Memorandum of Understanding on Defense Cooperation.


Ilan pa sa kanilang napag-usapan ay ang mga kaganapan sa rehiyon kabilang na ang asean centrality, bagong partnerships, nuclear proliferation, at posibleng spill-over ng epekto ng kaguluhan sa Afghanistan.

Facebook Comments