Pilipinas, dapat humingi ng suporta sa ibang bansa para itaguyod ang 2016 arbitral award – VP Robredo

234

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat itaguyod ng pamahalaan ang 2016 arbitral victory at humingi ng suporta sa ibang bansa para depensahan ang inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Robredo, hindi pabor sa kanya ang bilateral talks lalo na at hindi “equal footing” ang Pilipinas at China.


Tulad ng mga ordinaryong tao, sinabi ni Robredo na siya ay isang ‘spectator’ lamang sa mga polisiya ng administrasyon sa WPS.

Bagamat wala siyang papel sa foreign policy ng bansa, naghahayag pa rin siya ng kanyang mga pananaw hinggil sa agawan ng teritoryo at relasyon ng bansa sa China.

Facebook Comments