Pilipinas, dapat na magpakita ng impartiality sa Iran-Israel conflict

Hinimok ni Senate Minority leader Koko Pimentel ang pamahalaan na magpakita ng impartiality tungkol sa Iran-Israel conflict.

Ayon kay Pimentel, walang dapat na ipakitang pagkampi o pagkiling ang Pilipinas sa pagitan ng Iran at Israel at sa halip ay maging venue tayo ng pag-uusap o dayalogo ng dalawang bansa.

Mahalaga aniyang makalikha o maging instrumento ang bansa ng mapayapang resolusyon at huwag hikayatin ang pagtindi ng gyera.

Pinag-a-adopt ni Pimentel ang gobyerno ng polisiya na makatutulong para maibsan ang posibleng pagtaas ng tensyon ng Iran at Israel.

Agad na pinaglalatag ng paraan ng senador ang nakaambang na pagtaas ng presyo ng langis dahil sa kaguluhan lalo’t tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa kabuhayan at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments