Pilipinas, hindi kakayanin kung magkakaroon ng COVID-19 surge kagaya ng Indonesia

238

Hindi kakayanin ng Pilipinas kung magkakaroon ng COVID-19 surge na kagaya ng sa Indonesia.

Ito ang sinabi ng Alliance of Health Workers sa gitna ng naitalang local transmisison ng mas nakakahawang Delta variant.


Ayon kay Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza, kulang na kulang pa ang mga medical frontliners ngayon lalo na’t marami ang nagresign at naghain ng early retirement.

Wala ring pahinga ang ating mga health workers na noong nakaraang taon pa nagsisilbi at lumalaban sa COVID-19.

Paliwanag pa ni Mendoza, kung magkakaroon man tayo ng surge na katulad ng sa nararanasan ngayon ng Indonesia ay hindi natin kakayanin lalo na kung hindi tayo magdaragdag ng manpower.

Sa kasalukuyan, nasa higit 3 milyon na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Indonesia kung saan lagpas 80,000 na dito ang nasawi dahil sa virus.



Facebook Comments