Pilipinas, isa sa mga bansang maagang makakatanggap ng bakuna mula sa isang humanitarian group

164

Kabilang ang Pilipinas sa mga maagang makakatanggap ng bakuna mula sa humanitarian group na Global Vaccine Alliance (Gavi).

Ayon kay Daniel Pruce, United Kingdom Ambassador to the Philippines, sa pamamagitan ito ng COVAX Global Vaccines Facility kung saan may inilaang 752.3 milyong dolyar o mahigit 36 bilyong piso ang UK para sa COVAX Advance Market Commitment na makakatulong sa pamimigay ng bakuna sa 92 bansa buong mundo.


Inaasahan namang darating ang bakuna sa Pilipinas ngayong buwan ng Pebrero.

Facebook Comments