Pilipinas, itinanghal bilang Asia’s Leading Beach Destination ng World Travel Awards

126

Sa ikalimang pagkakataon, itinanghal ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Beach Destination at Asia’s Leading Dive Destination ng World Travel Awards.

Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, isang karangalan na mapasin ang mga nagagandahang beaches at dive spots sa bansa.

Aniya, ang pagkilalang ito ay para sa lahat ng tourism stakeholders, lokal na pamahalaan, partner agencies at lahat ng Pinoy na nagpo-promote ng mga tourist spots sa bansa.


Maliban dito, kinilala rin ang ilang properties sa bansa bilang ‘best in the region’ sa 28th World Travel Awards

Kabilang sa mga ito ang:

• Savoy Hotel Manila bilang Asia’s Leading Airport Hotel



• Discovery Primea bilang Asia’s Leading Business Hotel

• City of Dreams Manila bilang Asia’s Leading Casino Resort at Asia’s Leading Fully Integrated Resort),


• At Amanpulo bilang Asia’s Leading Private Island Resort

Facebook Comments