Pilipinas, itinanghal bilang “Destination of the Year” sa TTG Travel Awards 2022

67

Nagwagi ang Pilipinas bilang “Destination of the Year” sa 31st TTG Travel Awards 2022 na ginanap sa Bangkok, Thailand

Binigyang parangal ang mga nanalo sa ilalim ng tatlong kategorya – Travel Supplier Award, Travel Agency Awards, at Outstanding Achievement Award.

Ang “Destination of the Year” ay iginagawad sa most outstanding destination na nagsusulong na mapalakas ang turismo ng bansa.


Ito na ang pangalawang pagkakataong maitanghal na “Destination of the Year” ang Pilipinas kung saan nasungkit ng bansa ang kaparehong parangal noong 2014.

Ang TTG Travel Awards ay taun-taong inoorganisa ng TTG Asia simula pa noong 1989.

Layon nitong bigyang pagkilala ang mga namumukod tangi sa travel industry sa Asya Pasipiko.



Facebook Comments