Pilipinas, kabilang sa pitong bansang posibleng pumatok ang turismo matapos ang COVID-19 pandemic ayon sa Forbes Magazine

Napabilang ang Pilipinas sa pitong bansa na posibleng dagsain ng mga turista sakaling mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Forbes Magazine, mayroong mahigit pitong (7) libong pulo ang bansa na pwedeng pagpilian ng kahit mga pihikan na mga turista.

Tinukoy din ng nasabing international business magazine ang Metro Manila na kilala sa pagiging political at economic center nito, maging ang pagiging popular ng Maynila at Quezon City sa immersion ng mainstream Filipino culture.


Inirerekomenda rin naman ng Forbes ang Visayas para sa mga gusto ng beach kung saan matatagpuan ang Boracay maging ang Palawan sa Luzon.

Maliban sa Pilipinas, pasok din ang mga bansang Ethiopia, Iran, Myanmar (Burma), Georgia, Slovenia at Tunisia sa naturang listahan ng Forbes.

Facebook Comments