Pilipinas, makakatanggap ng karagdagang 36-M COVID-19 vaccines – Duterte

43

Asahang darating sa bansa ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa 36 million COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayong buwan at sa Agosto.


Sa ngayon, aabot sa higit 31 milyong COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa.

“With the continuous arrival of COVID-19 vaccines, we are ready to boost further our daily vaccination rate,” ani Pangulong Duterte.

Hinimok ni Pangulong Duterte ang local government units (LGUs) na pabilisin ang vaccine rollout at pagtibayin ang kanilang immunization program.

Pero paalala rin ni Pangulong Duterte sa mga LGUs na huwag hayaan ang kanilang mga kababayan na lumusong sa baha, pumila ng napakahabang oras para lamang mabakunahan.



Mahalaga aniyang mayroong ligtas na vaccination sites para sa publiko.

Facebook Comments