Pilipinas, muling umutang ng $810 million sa World Bank

506

Muling umutang sa World Bank ang Pilipinas ng aabot sa $810 million o katumbas ng mahigit P41 billion.

Ayon sa World Bank, ang perang ipapa-utang sa Pilipinas ay nakalaan para sa pandemic recovevery, pagpapaunlad ng disaster resilience at tulong sa sektor ng edukasyon.

Kabilang dito ang $600 million promoting competitiveness and enhancing resilience to natural disasters sub-program 3 loan, $110 million financing para sa teacher effectiveness and competencies enhancement project, at $100 million loan para sa pagpapalakas ng Alternative Learning System.


Ang halaga ay dagdag sa P11.6 trillion na kasalukuyang utang ng bansa sa iba’t ibang international financial organization.

Facebook Comments