Pilipinas, nakakuha ng 25 milyong doses ng Sinovac vaccine

157

Aabot sa 25 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac ang nakuha ng Pilipinas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang inisyal batch o 50,000 doses ay darating sa Pebrero.


Dagdag pa ni Duque, ang 950,000 doses ay darating ng Marso habang ang 2 hanggang 3 million doses ay sa mga susunod na buwan, hanggang sa makumpleto ang 25 million doses sa Disyembre.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na target nilang mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino.

Facebook Comments