Pilipinas, nakasungkit na ng tatlong gintong medalya sa ASEAN Para Games 2022 sa Indonesia

93

Nakasungkit na ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa nagpapatuloy na ASEAN Para Games 2022 sa Indonesia.

Unang nakabulsa ng gold medal si Filipino Swimming Paralympian na si Ernie Gawilan matapos magwagi sa Men’s 400 meters Freestyle S7 TF event.

Panalo naman para sa ikalawang gintong medalya ang swimmer na si Roland Sabido sa Men’s 400m freestyle S9 class.


Habang, nasungkit ni Cendy Asusano ang pangatlong gold medal sa Women’s Javelin Throw F54 class.

Photo Courtesy: Philippine Sports Commission

 

 

 

Samantala, wagi naman ng silver medal si Arnel Aba sa Men’s 400m Freestyle S9 event, habang nauwi naman ni Daniel Enderes Jr., ang broze medal sa Men’s 5,000 meters T20 competition.

Facebook Comments