Pilipinas, nananatiling BBB+ sa kabila ng COVID-19 pandemic – Pangulong Duterte

45

Nananatili sa BBB+ ang credit rating ng Pilipinas sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na sa kabila ng mga hamon ng krisis ay nagagawa pa rin ng Pilipinas na makapagbayad sa utang nito.


Nangangahulugan din ito na maaari pa ring makahiram ng pera ang bansa.

Batay sa report ng Standard and Poor’s (S&P), napanatili ng Pilipinas ang sovereign credit rating nito na BBB+ dahil sa kakayahan ng bansa na maabot ang financial commitments nito.

Facebook Comments