Pilipinas, nasa 4th wave na ng COVID-19

86

Inihayag ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin na kasalukuyan nang hinaharap ng Pilipinas ang 4th wave ng COVID-19.

Ayon kay Limpin, kung isasama ang unang outbreak sa bansa noong Abril, maituturing na pang-apat na wave na ang nararanasan natin ngayon.


Ibinase rin aniya ang pahayag mula sa isang article kung saan sinasabing nakaranas ng first wave ang bansa noong April 2020.

Sinundan ito ng pangalawang wave noong June hanggang August 2020, at ikatlong wave noong April 2021.

Facebook Comments