Pilipinas, pumasok sa bagong labor agreement sa UAE

132

Kinumpirma ng Labor Department ang panibagong kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE).

Partikular ang bagong labor agreement na magbibigay daan para sa deployment sa UAE ng household service workers.


Nangangahulugan ito na epektibo ngayong Marso ay maaari na muling magpadala ang Pilipinas ng household service workers sa nasabing bansa.

Magugunitang noong nakalipas na taon ay pansamantalang itinigil ng UAE ang pag-iisyu ng visa sa deployment ng Pinoy household workers makaraang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments