Pilipinas, umatras sa hosting ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers

44
Photo Courtesy: Samahang Basketbol ng Pilipinas Facebook Page

Umatras na ang Pilipinas sa hosting ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero na gaganapin sana sa isang bio-secure environment sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), kinansela nila ang hosting duties sa FIBA dahil sa umiiral na COVID-19 travel ban.


Gaganapin sana sa Pilipinas ang hosting ng games sa Groups A at C ng FIBA qualifiers sa bubble set up.

Habang ang games para sa Group B ay gagawin sana sa Tokyo pero umatras din ang Japan sa hosting.

Una nang nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa mga bansang may naitalang bagong COVID-19 variant na unang nakita sa United Kingdom.

Facebook Comments