Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, umakyat na sa 8,762

30

Nadagdagan ng 74 na bagong kaso ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 8,762 ang mga overseas Filipino na nagpositibo sa nakakahawang sakit mula sa 63 na bansa at rehiyon.


Sa nasabing bilang, 2,935 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang mga ospital.

Nasa 5,237 naman ang naka-recover na habang 590 na ang mga pumanaw.

Facebook Comments