Pilipinong dumaranas ng depresyon, hinikayat ng DOH na dumulog sa kanilang tanggapan

2328

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health ang lahat ng mga Pilipinong dumaranas ng depresyon na dumulog sa kanilang tanggapan.

Kasunod ito ng pagpapakamatay ng drummer ng bandang razorback na si Brian Velasco.


Ayon sa DOH – 24 hours na bukas ang kanilang linya sa lahat ng dumaranas ng depresyon.

Ang mga dumaranas ng naturang health condition ay maaring tumawag sa hotlines ng DOH na 0917-558-4673 o hindi kaya ay mag text sa 2916.

Paalala ng ahensya, huwag balewalain ang depresyon dahil 800,000 ng mga nagpapakamatay taon-taon ay dahil sa nasabing kondisyon.

Facebook Comments

From Advertisers