Kinumpirma ng Malacañang na kinasuhan na rin ang Pilipinong videographer na kasama ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetsky sa paggawa ng kaniyang kontrobersyal na vlog kung saan hina-harass ang ilang Pilipino.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kinilala ang videographer na si Christopher Dantes alyas “Sly Kane” at sinampahan ng kasong unjust vexation at paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act at Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act, at iba pang kaugnay na batas.

May kaparusahan itong 30 araw na pagkakakulong o multa.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Castro hindi pa maglalabas ng arrest warrant laban kay Dantes dahil bibigyan ito ng pakakataong depensahan ang sarili.

Sabi ni Castro, iginagalang ng administrasyong Marcos ang due process at karapatan ng bawat indibidwal na maipagtanggol ang kanilang sarili.

Facebook Comments