
Nagawa umanong maibaba ng hanggang P20 ang presyo ng karneng baboy sa merkado dahil sa pilot testing ng Pork Program.
Ito ay mas mababa sa maximum suggested retail price (MSRP) na P380 per kilo sa liempo at P350 per kilo para sa pigue at kasim.
Ito’y sa pamamagitan ng Food Terminal Inc (FTI) na nag pilot test ng Pork Program.
Ayon kay Food Terminal Inc (FTI) President Joseph Lo, sa nakalipas na 21 araw, mahigit 2,000 na buhay na baboy ang binili at nai-deliver nito sa slaughterhouses sa Metro Manila.
Sa ginawang pagbisita sa palengke ng FTI chief sa mga palengke sa Marikina City, nagawa na umanong magpresyo ang mga tindero ng P360 per kilo, at ang kasim at pigue ay nasa pagitan ng P330 at P340 per kilo
Dahil dito, hinikayat ng Food Terminal Inc., (FTI) ang mas marami pang may-ari ng farm ng mga babuyan na makilahok sa pilot program upang masugpo ang mga nananamantala sa hanay ng supply chain.