PINABABAWI | Provisional license na pirmado ng PAGCOR para sa itatayo sanang casino sa Boracay, pinababawi ng isang senador

34

Manila, Philippines – Pinababawi ngayon ni Senator Nancy Binay sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang provisional liscense na una na nitong inissue sa Macau casino giant na Galaxy Entertainment para makapag-operate sa isla ng Boracay.

Ito ayon kay Senator Binay ay upang mapawi na ang pangamba ng publiko na itutuloy ang binabalak na pagtatayo ng casino sa lugar.

Ayon sa senadora, kahit pa kasi ilang ulit na sinasabi ng Pangulo na hindi nito pahihintulutan ang pagkakaroon ng casino sa lugar, tila banda pa rin aniya na mayroong pinirmahang dokumento ang PAGCOR para sa operasyon ng nabanggit na casino.

Facebook Comments