PINABULAANAN | Magdalo, itinangging nakipag-usap sa CPP

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Magdalo na nakikipag-usap sila sa Communist Party of the Philippines (CPP) para patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Magdalo Party-List Rep.Gary Alejano, niloloko lamang ng Pangulo ang taumbayan.

Aniya, nananaginip lang ang Pangulo sa mga akusasyon nito laban sa Magdalo group.


Kailanman ay hindi sila nakipag-usap sa CPP.

Pero inamin naman ni Alejano na nakikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa Liberal Party.
Subalit nilinaw ng mambabatas na wala sa agenda ng kanilang pakikipag-usap sa LP ang pagpapatalsik sa Pangulo, kundi ang ipanawagan na ayusin ang mga polisiya.

Facebook Comments