PINABULAANAN | Napabalitang pagbabago ng Senate leadership sa Lunes, itinanggi ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III

55

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Senate President Koko Pimentel III ang napabalitang mapapalitan na siya sa Lunes ni Senate majority leader Vicente “Tito” Sotto III.

Paglilinaw ni Pimentel, magkakaroon lang ng caucus sa Lunes ang 17 mga senador na miyembro ng mayorya.

Tugon ito ni Pimentel sa kumalat na balitang ipiprisenta sa kanya sa Lunes ang statement of support para kay Senator Sotto na pirmado ng 14 na mga Senador.

Sabi ni Pimentel, walang nababanggit sa kanya si Senator Sotto tungkol sa nasabing statement of support.

Kasabay nito ay binigyang diin ni Pimentel na handa siyang bumaba sa puwesto lalo pa at magiging abala din naman siya bilang reeleksyunista sa 2019 senatorial elections at kailangan din niyang asikasuhin ang pinamumunuang PDP-laban.

Dagdag pa ni Pimentel, taglay ni Sotto ang kwalipikasyon para pamunuan ang Senado.

Facebook Comments