PINABULAANAN | NCRPO, itinangging tinaniman ng ebidensya ang naarestong NDFP consultant

43

Manila, Philippines – Itinanggi ng National Capital Region Police Office o NCRPO na tinaniman nila ng ebidensya ang naarestong consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vicente Ladlad.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, hindi nila ito gawain at hindi nila kinokonsinte ang ganitong aktibidad.

Aniya, ang pag-aresto kay Ladlad ay resulta ng kanilang intelligence build-up.

Giit pa ni Eleazar, ganito rin ang kanilang ginagawa sa mga follow up operation laban sa iba pang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na may warrant of arrest.

Facebook Comments